Wikiquote:Iminumungkahing pagbura
| Mga Patakaran at Panuntunan ng Wikikawikaan |
|---|
| Nilalaman |
|
| Asal |
|
| Operasyon |
Mula sa Wikikawikaan na Ingles, ang malayang kalipunan ng mga kawikaan.
Ang pahinang ito ay nagtatala ng isang opisyal na patakaran sa Wikikawikaan. Malawak itong tinatanggap ng mga patnugot at itinuturing na pamantayang dapat sundin ng lahat ng tagagamit. Mangyaring huwag gumawa ng malalaking pagbabago sa pahinang ito nang walang naunang pag-uusap.
Iminumungkahing pagbura
[baguhin ang wikitext]Tala ng tagasalin: ang "deletion" ay isinalin bilang "pagbura"; ang "proposed deletion" bilang "iminumungkahing pagbura"; ang "undeletion" bilang "pagbalik mula sa pagbura." Ang mga teknikal na tag na Padron:Prod, {{subst:prod|reason}}, Padron:Dated prod, Padron:Oldprod, at mga pangalang tulad ng vfd-new at speedy criterion G2 ay pinanatili sa Ingles dahil aktwal na mga pangalan ng plantilya at pamantayan ang mga ito.
Ang iminumungkahing pagbura ay isang proseso ng pagbura na nagpapahintulot sa mga tagagamit na magdagdag ng isang plantilya (Padron:Prod) sa isang artikulo (at sa ilang mga pangyayari, sa mga pahina ng tagagamit) upang imungkahi ito para sa pagbura. Ang prosesong ito ay dapat gamitin lamang para sa mga artikulong hindi kontrobersyal na kandidato sa pagbura na malinaw na hindi nabibilang sa kalipunan ng mga kawikaan ng Wikikawikaan ngunit hindi natutugunan ang mga pamantayan para sa mabilisang pagbura. Kung may tumutol na sinumang tagagamit, maaaring dalhin ang artikulo sa Mga boto para sa pagbura upang talakayin.
Paano ito gumagana
[baguhin ang wikitext]Ang mga artikulong may tag na Padron:Prod na plantilya ay susuriin ng isang tagapangasiwa pagkatapos ng pitong araw kung walang mga pagtutol mula sa ibang mga tagagamit. Kung ang ibinigay na dahilan ay balido, buburahin ang artikulo.
Ang mga artikulong:
- Dati nang iminungkahi para sa pagbura
- Dati nang naibalik mula sa pagbura (undeleted)
- Natalakay na sa Wikikawikaan:Mga boto para sa pagbura
ay hindi mga kandidato para sa Padron:Prod.
Tanging mga artikulo lamang ang maaaring imungkahi para sa pagbura. Ang tanging mga eksepsyon sa tuntuning ito ay ang mga pahina sa namespace ng User at User talk na maaaring imungkahi para sa pagbura kung ang tagagamit ay walang kamakailang pagbabago at kakaunti o walang naiambag sa Wikikawikaan.
Pagsubaybay sa mga kasalukuyang iminumungkahing pagbura
[baguhin ang wikitext]Ang Kategorya:Lahat ng artikulong iminungkahi para sa pagbura ay naglilista ng lahat ng artikulong kasalukuyang iminumungkahi para sa pagbura.
Paano magmungkahi
[baguhin ang wikitext]Kung sa palagay mo ang isang artikulo ay isang hindi kontrobersyal na kandidato para sa pagbura:
- Suriin ang kasaysayan ng artikulo upang kumpirmahin na hindi ito kamakailan lang na-bandalismo. Kung iminungkahi na ito para sa pagbura noon, imungkahi ito para sa Wikikawikaan:Mga boto para sa pagbura kung sa palagay mo ay dapat itong burahin.
- Idagdag ang {{subst:prod|reason}} sa tuktok ng pangunahing pahina ng artikulo. Gumamit ng nagbibigay-kaalamang buod ng pagbabago, at huwag markahan ang pagbabago bilang maliit (minor).
- Isaalang-alang ang pagdaragdag ng artikulo sa iyong watchlist at ipaalam sa lumikha ng artikulo na may tag ka na rito. Maaari kang gumamit ng {{subst:PRODWarning|Pamagat ng artikulo}} Imelda (kausapin) 11:57, 16 Setyembre 2026 (PST) para dito.
Pagtutol sa isang iminumungkahing pagbura
[baguhin ang wikitext]Kung hindi ka sumasang-ayon na ang artikulo ay dapat burahin nang walang talakayan, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
- Alisin ang Padron:Dated prod na tag mula sa artikulo, na nabanggit ito sa buod ng pagbabago. Dapat ipaliwanag ng mga patnugot kung bakit hindi sila sumasang-ayon sa iminumungkahing pagbura.
- Habang pinapabago mo ang artikulo, mangyaring isaalang-alang ang pagpapabuti nito, lalo na upang tugunan ang mga pag-aalala na ibinigay bilang dahilan ng pagbura.
- Kung sa palagay mo ay dapat burahin ang artikulo, ngunit hindi nang walang talakayan, maaari mong imungkahi ang artikulo para sa isang debate sa Mga boto para sa pagbura.
Pagtutol pagkatapos ng pagbura
[baguhin ang wikitext]Ang nabanggit na pinagmulan ay papalitan ng kung ano na ngayon ang nasa Wikikawikaan:Pagsusuri ng pagbura/Draft.
Ang mga artikulong nabura sa ilalim ng pamamaraang ito (gamit ang Padron:Prod na tag) ay maaaring ibalik (undelete), nang walang karagdagang talakayan, sa isang makatwirang kahilingan. Maaaring hilingin ito sa kahit sinong tagapangasiwa (o gawin mismo ang aksyong ito), o maaaring magsumite ng kahilingan sa Pagsusuri ng Pagbura, ngunit ang mga naturang naibalik na artikulo ay maaaring mabilisang burahin o imungkahi para sa pagbura sa ilalim ng mga karaniwang tuntunin, kung natutugunan nila ang mas mahigpit na pamantayang iyon.
Dapat ilagay ng mga tagapangasiwang nagbabalik ng naburang mga artikulo ang Padron:Oldprod sa pahina ng usapan ng artikulo.
Mga alitan
[baguhin ang wikitext]Kontestadong pagbura: Kung may sinuman, kabilang ang lumikha ng artikulo, na nag-alis ng Template:Prod mula sa isang artikulo sa anumang dahilan, huwag itong ibalik, maliban kung ang pag-alis ay malinaw na hindi pagtutol sa pagbura (tulad ng pag-blank ng buong artikulo, o pag-alis ng tag kasabay ng paglalagay ng malinaw na kalokohan); gayunpaman, kung ang pagbabago ay hindi malinaw na bandalismo, huwag itong ibalik, kahit na ang tag ay tila inalis nang may masamang hangarin. Kung naniniwala ka pa rin na dapat burahin ang artikulo, ilista ito sa Wikikawikaan:Mga boto para sa pagbura. Tandaan: kung may pumalit sa isang PROD na tag ng isang vfd-new na tag, ito ay bumubuo ng isang kontestadong pagbura, at ang PROD na tag ay hindi dapat ibalik; ngunit kung may pumalit sa isang PROD na tag ng isang mabilisang pagbura na tag (bagama't dapat ay idagdag na lang nila ang speedy na tag), ang PROD na tag ay maaaring ibalik.
Ang iba pang pagbura at kaugnay na mga proseso ay may priyoridad sa PROD:
- Ang isang artikulong may marka ng parehong PROD at vfd-new ay dapat harapin sa VfD, at ang Padron:Prod na tag ay dapat alisin.
- Ang mga angkop na alternatibo tulad ng Wikikawikaan:Mabilisang pagbura ay may karapatang mauna. Gayunpaman, kapag minarkahan ang isang PRODded na artikulo bilang kandidato sa mabilisang pagbura, ang PROD na tag ay dapat iwanang nakalagay kung sakaling tanggihan ang mabilisang pagbura. (Tandaan ang pagkakaiba sa itaas: ang isang tinanggihang kandidato sa mabilisang pagbura ay karapat-dapat pa rin sa PROD, ngunit ang isang tinanggihang kandidato sa VfD ay hindi.)
- Ang anumang pagbura sa pamamagitan ng prosesong ito na dalhin sa pagsusuri ng pagbura ay implicit na isang kontestadong pagbura, at ang artikulo ay maaaring agad na ibalik ng kahit sinong tagapangasiwa nang walang talakayan.
- Ang anumang artikulong nabura sa pamamagitan ng prosesong ito at pagkatapos ay muling nilikha ay hindi saklaw ng mabilisang pagbura sa ilalim ng speedy criterion G2, dahil ang muling paglikha ay isang paraan ng pagtutol (pag-alis) sa prod na tag. Kung sa palagay mo ay dapat muling burahin ang artikulo, ilista ito sa Mga boto para sa pagbura.
Pamamaraan para sa mga tagapangasiwa
[baguhin ang wikitext]Kung ikaw ay isang tagapangasiwang nagpapasya kung buburahin o hindi ang isang PRODed na artikulo:
- Suriin na ang tag ay tuloy-tuloy na nakalagay nang hindi bababa sa 7 araw at walang mga pagtutol na iniharap sa pahina ng usapan.
- Kung sumasang-ayon ka na dapat burahin ang artikulo, burahin ito nang may nagbibigay-kaalamang dahilan ng pagbura, tulad ng ibinigay ng nagmungkahi, hindi lang "expired prod."
- Kung magpasya kang hindi ito burahin, isaalang-alang ang pagbabago ng artikulo upang harapin ang mga pag-aalalang iniharap, o imungkahi ang artikulo para sa pagbura sa VfD.
Upang matiyak na may dagdag na pares ng mata, ang isang artikulo ay hindi dapat burahin ng parehong taong naglagay ng tag dito.
Tingnan din
[baguhin ang wikitext]- Wikipedia:Proposed deletion - ang aming ideya ay hinango roon
- Kategorya:Iminumungkahing pagbura
- Patakaran sa pagbalik mula sa pagbura (Undeletion policy) | Mga naka-archive na debate sa pagbura