Wikiquote:Mga kategorya ng pinagmulan
| Mga Patakaran at Panuntunan ng Wikikawikaan |
|---|
| Nilalaman |
|
| Asal |
|
| Operasyon |
Mula sa Wikikawikaan saingles, ang malayang kalipunan ng mga kawikaan.
Ang pahinang ito ay nagtatala ng isang PANUNTUNAN ng Wikikawikaang Ingles. Inilalarawan nito ang mga pamantayan ng asal, na sinasang-ayunan ng maraming patnugot sa prinsipyo, ngunit hindi ito patakaran. Malaya kang magsapanahon ng pahina, ngunit mangyaring talakayin muna ang malalaking pagbabago sa pahina ng usapan.
Tanging ang mga kawikaang wastong nakasangguni sa isang orihinal na akda o sa isang kagalang-galang na pangalawang publikasyon ang dapat lumitaw sa mga pahina ng Wikikawikaan.
Kung saan sila lumilitaw ay depende sa kung sila ay:
- A. Nakasangguni sa isang orihinal na talumpati, aklat, panayam, pelikula, o ibang akda ("Mga Kawikaan"),
- B. Matatagpuan sa isang kagalang-galang na pangalawang sanggunian ("Iniuugnay"), o
- C. Malawak na iniuugnay sa isang may-akda o akda ngunit nakasangguni sa ibang may-akda o akda ("Maling iniuugnay").
Ang mga kawikaang malawak na iniuugnay sa may-akda o akda ngunit hindi nakasangguni sa isang orihinal na akda o kagalang-galang na pangalawang publikasyon ay dapat lumitaw bilang unang talâ sa pahina ng Usapan {"Walang pinagmulan"}.
May pinagmulan
[baguhin ang wikitext]Ilagay ang mga kawikaang may pinagmulan tulad ng sumusunod.
Mga Kawikaan Ang mga kawikaang nakasangguni sa may-akda o akda ay lumilitaw nang walang kuwalipikasyon sa isang seksyong "Mga Kawikaan" ng artikulo ng may-akda,
Iniuugnay
Ang mga kawikaang nakasangguni sa isang kagalang-galang na pangalawang publikasyon ngunit hindi sa isang orihinal na akda ay lumilitaw sa isang seksyong "Iniuugnay" sa artikulo ng may-akda.
Maling iniuugnay
Ang mga kawikaang malawak na iniuugnay sa isang may-akda o akda ngunit nakasangguni sa ibang may-akda o akda ay lumilitaw sa isang seksyong "Maling iniuugnay" sa artikulo ng hindi may-akda, na may sipi ng tamang pagkakamay-akda.
Walang pinagmulan
[baguhin ang wikitext]Ang mga kawikaang walang pinagmulan na malawak na iniuugnay sa isang may-akda ngunit hindi nakasangguni sa akda ng sinumang may-akda o sa isang kagalang-galang na pangalawang publikasyon ay hindi dapat lumitaw sa artikulo ng may-akda. Sa halip, dapat silang lumitaw sa isang seksyong "Walang pinagmulan" sa pahina ng usapan ng pinaniniwalaang may-akda.
Tingnan, halimbawa, ang "History doesn't repeat itself, but it does rhyme," na malawak na iniuugnay kay Mark Twain. Noong nakaraan, maraming artikulo ang hinati sa mga seksyong "May pinagmulan" at "Walang pinagmulan". Ilipat ang mga seksyong walang pinagmulan na lumilitaw sa mga artikulo patungo sa mga pahina ng usapan.
Katangahan, mga kalokohan, at bandalismo
[baguhin ang wikitext]Alisin ang mga kawikaang walang pinagmulan na hindi karaniwang iniuugnay sa isang may-akda. Kasama rito ang mga kawikaang malinaw na hindi ginawa ng o tungkol sa paksa, mga prank edit, at lantarang bandalismo.
Paglipat ng mga kawikaan
[baguhin ang wikitext]Sa lahat ng pagkakataon ng paglipat o pag-alis ng isang kawikaan, mangyaring isama ang isang paliwanag sa buod ng pagbabago upang ipaalam sa iba pang Wikiquotian kung bakit sa palagay mo ay angkop ito. Kabilang sa mga halimbawa ng buod: • "kawikaang may pinagmulan" • "inilipat sa Maling iniuugnay pagkatapos mahanap ang orihinal na kawikaan" • "inalis ang malamang na prank edit"
Tingnan din
[baguhin ang wikitext]• Pagsipi ng mga sanggunian • Pagsangguni • Mga mapagkakatiwalaang sanggunian • Beripikabilidad