Pumunta sa nilalaman

Wikiquote:Mga kathang-isip na tauhan

Mula Wikiquote
Mga Patakaran at Panuntunan ng Wikikawikaan
Nilalaman
Asal
Operasyon

Mula sa Wikikawikaan na Ingles, ang malayang kalipunan ng mga kawikaan.

Ang pahinang ito ay nagtatala ng isang PANUNTUNAN ng Wikikawikaang Ingles. Inilalarawan nito ang mga pamantayan ng asal, na sinasang-ayunan ng maraming patnugot sa prinsipyo, ngunit hindi ito patakaran. Malaya kang magsapanahon ng pahina, ngunit mangyaring talakayin muna ang malalaking pagbabago sa pahina ng usapan.

Mga kathang-isip na tauhan

[baguhin ang wikitext]

Sa pangkalahatan, hindi nagsasama ang Wikikawikaan ng mga pahinang hiwalay (stand-alone) tungkol sa mga kathang-isip na tauhan. Ang lahat ng kawikaan mula sa o tungkol sa isang kathang-isip na akda ay dapat ilista sa isang artikulo tungkol sa akda o sa may-akda nito.

Hindi rin nagsasama ang Wikikawikaan ng mga kawikaan ng mga kathang-isip na tauhan sa mga pahina ng mga manlalalabas na ginampanan lamang ang mga tauhang iyon, at hindi rin ito nagsasama ng mga kawikaan ng mga kathang-isip na bersyon ng mga tunay na tao sa mga pahina ng tunay na tao.

Ayon sa Ano ang Wikikawikaan?, ang aming mga layunin ay maging Tumpak, Malawak, Kilala, at nakatuon sa mga kawikaan.

May dalawang pangunahing dahilan kung bakit hindi pinapayagan ang mga pahina tungkol sa mga kathang-isip na tauhan:

• Ang gayong mga pahina ay nagpapataas ng malaking alalahanin sa karapatang-ari. Hindi praktikal na pamahalaan ang mga limitasyon sa patas na paggamit kapag may hiwa-hiwalay na pahina para sa mga elemento ng isang kathang-isip na akda.
• Ang gayong mga pahina ay nagpapalito sa tunay na pagkakamay-akda at ng sa tauhan. Walang isinusulat na akda ang mga kathang-isip na tauhan.

Mga pagbubukod

[baguhin ang wikitext]

Mga tiyak na halimbawa ng pagbubukod kung saan pinapayagan ang mga pahina tungkol sa mga kathang-isip na tauhan:

1. Mga akdang eponimo: Kapag ang pangalan ng isang tauhan ay siyang pamagat ng isang akda, o siyang pangalang kinikilala sa isang kalipunan ng mga akda (hal. mga komiks ng Superman), maaari itong gamitin bilang pamagat ng isang artikulo. Ang gayong mga artikulo ay tungkol sa akda: hindi lamang ito para sa mga kawikaan ng indibidwal na tauhan, at hindi ito mga karagdagang artikulo bukod sa pangunahing artikulo tungkol sa akda. Ang mga kawikaang iniuugnay sa tauhan ay dapat wastong nakasangguni sa akdang pinagmulan nito, at kung posible, dapat tukuyin ang may-akda ng partikular na akdang iyon. Kung ang isang tauhan ay may pamosong parirala (catchphrase) o iba pang madalas na inuulit na linya, ang kawikaan ay dapat isangguni sa pinakaunang paglitaw nito.
2. Mga tema tungkol sa isang tauhan: Ang mga kapuna-punang puna tungkol sa isang tauhan, tulad ng kritisismong pampanitikan, ay karaniwang isinasama sa isang artikulo tungkol sa akda, sa isang artikulo tungkol sa may-akda ng akda, o ng may-akda ng mga puna. Kung ang tauhan ay lumilitaw sa maraming akda ng iba't ibang may-akda, at ang isang kawikaan ay walang kaugnayan sa isang tiyak na akda, maaari itong isama sa isang pinagsama-samang artikulo tungkol sa kalipunan ng mga akda, o sa isang artikulo tungkol sa pangunahing akda kung saan nagmula ang tauhan. Kung hindi praktikal ang alinman sa mga opsiyong ito, maaaring angkop na gumawa ng artikulo sa tema para sa mga kawikaan tungkol sa pangunahing tauhan ng isang kalipunan ng mga akda.
Ang gayong pahina sa tema tungkol sa isang tauhan ay angkop lamang kung:
• Ang tauhan ay tumanggap ng makabuluhang saklaw sa mga mapagkakatiwalaang pangalawang sanggunian na malaya sa paksa, at
• Ang mga kilalang may-akda, iskolar, kritiko ng kathang-isip, at iba pa, ay gumawa mismo ng mga kapuna-punang kawikaan at komentaryo tungkol sa kathang-isip na tauhan.
Isang halimbawa ng kawikaang angkop para sa isang pahina sa tema:
"Clark Kent is how Superman views us. And what are the characteristics of Clark Kent? He's weak. He's unsure of himself. He's a coward. Clark Kent is Superman's critique on the whole human race." - Bill, sa Kill Bill: Volume 2 (2004), ni Quentin Tarantino.
Salin: "Si Clark Kent ang paraan ng pagtingin ni Superman sa atin. At ano ang mga katangian ni Clark Kent? Mahina siya. Hindi siya sigurado sa sarili niya. Duwag siya. Si Clark Kent ang kritisismo ni Superman sa buong sangkatauhan."
Ang kawikaang ito ay mula sa isang kilalang akda, ng isang kilalang may-akda; ito ay tungkol sa tauhang Superman, ngunit ang katangiang inilarawan ay isang lumilitaw sa lahat ng midya ng Superman, at dahil dito ay hindi ito nauugnay sa anumang tiyak na pagganap ng Superman.

Mga kathang-isipan at mala-kathang-isip na tauhan

[baguhin ang wikitext]

Maraming tunay na tao ang nagawang pagganap sa iba't ibang midya kung saan ang may-akda ng midya ay sumulat ng dayalogong binasa ng aktor na gumanap sa tunay na tao. Ang gayong mga kawikaan ay hindi kailanman dapat ilista sa pahina ng taong ginampanan, maliban upang linawin ang mga maling pagkakabansag ng dayalogong iyon sa taong ginampanan. Halimbawa, sa huling episodyo ng miniseryeng pantelebisyon na John Adams, sinabi ng tauhang pinamagatan nito sa isang punto, "I consider the true history of our revolution to be lost forever" ("Itinuturing ko na ang tunay na kasaysayan ng ating rebolusyon ay nawala nang tuluyan"). Ang mga salitang ito ay isinulat para sa miniserye, at hindi kailanman aktwal na sinabi ng tunay na John Adams. Kaya nga, hindi angkop na isama ang mga ito sa pahina tungkol kay John Adams maliban kung may ebidensiyang iniharap na ang parirala ay maling iniugnay kay Adams ng isang ikatlong partido.

Ang ilang pigura mula sa sinaunang kasaysayan o mitolohiya ay kahina-hinala o pinagtatalunan ang pinagmulang pangkasaysayan, at ang mga kawikaang iniuugnay sa gayong mga pigura ay kinakailangang kahina-hinala rin. Gayunpaman, ang mga pigurang makatwirang pinaniniwalaang may aktwal na pag-iral sa kasaysayan ay maaaring isama, dahil ang gayong pagsasama ay hindi nagbibigay ng maling representasyon sa pagkakabansag ng mga kawikaang sinasabing nagmula sa mga pigurang iyon.

Mga aktor na gumaganap ng mga kathang-isip na tauhan

[baguhin ang wikitext]

Ang mga kawikaan ng mga kathang-isip na tauhan o ng mga kathang-isip na pagganap ng mga tunay na tao ay karaniwang hindi isinasama sa pahina ng aktor na gumanap sa tauhang iyon, dahil ang aktor ay karaniwang hindi ang may-akda ng kawikaan. Pinapayagan ang gayong mga kawikaan kung ang aktor ay siya rin ang may-akda, kabilang ang dayalogong biglaang nilikha (improvised) ng isang aktor habang ginagampanan ang papel.

Kung ang isang manlalabas ay malapit na nauugnay sa isang kawikaang nagmula sa pagganap ng isang tauhan - halimbawa, kung maisasangguni na patuloy na ginagamit ng aktor ang kawikaang iyon bilang "signature line" sa labas ng konteksto ng midyang pinagmulan nito - maaaring iharap ang kawikaan sa pahina ng manlalalabas na iyon upang linawin ang likas na katangian ng midyang aktwal na pinagmulan nito.