Wikiquote:Pangkalahatang pagtatanggi
| Mga Patakaran at Panuntunan ng Wikikawikaan |
|---|
| Nilalaman |
|
| Asal |
|
| Operasyon |
Ang pahinang ito ay nagtatala ng isang opisyal na patakaran sa Wikikawikaan. Malawak itong tinatanggap ng mga patnugot at itinuturing na pamantayang dapat sundin ng lahat ng tagagamit. Mangyaring huwag gumawa ng malalaking pagbabago sa pahinang ito nang walang naunang pag-uusap.
Pangkalahatang pagtatanggi:
- Gamitin ang Wikikawikaan nang naayon sa sariling pagpapasya!
- Naglalaman ang Wikikawikaan ng mga ispoiler at nilalamang maaaring maituring mong hindi kasiya-siya.
- Sinisikap na lumikha at mapanatili ang isang malawak at tumpak na pinagmumulan ng mga kawikaan, ngunit may mga pagkakataong hindi napapansin ang mga pagkakamali.
HINDI TIYAK NA ANG NILALAMAN NG WIKIKAWIKAAN AY TAMA SA LAHAT NG PAGKAKATAON.
Ang Wikikawikaan ay isang online na bukas-ang-nilalaman na kalipunan ng mga kawikaan, samakatuwid, isang kusang-loob na samahan ng mga indibidwal at pangkat na bumubuo ng isang karaniwang yaman ng kaalaman ng tao. Dahil sa kayarian nito, ang sinumang indibidwal na may koneksyon sa Internet at browser sa World Wide Web ay maaaring magbago ng nilalamang matatagpuan dito. Kaya nga, pakatandaan na walang anumang bagay na matatagpuan dito ang kinakailangang nasuri ng mga propesyonal na may kaalaman sa partikular na larangan ng kadalubhasaan na kailangan upang mabigyan ka ng kumpleto, tumpak, o mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa anumang artikulo sa Wikikawikaan.
Wala sa mga may-akda, kontribyutor, isponsor, administrador, sysop, o sinumang iba pang konektado sa Wikikawikaan sa anumang paraan ang maaaring managot sa paglitaw ng anumang hindi tumpak o mapanirang impormasyon, o sa iyong paggamit ng impormasyong nakapaloob sa o nakaugat mula sa mga pahinang ito. Pakitiyak na nauunawaan mo na ang impormasyong ibinibigay dito ay ibinibigay nang libre at walang bayad, at na walang anumang uri ng kasunduan o kontrata ang nabubuo sa pagitan mo at ng mga may-ari o tagagamit ng site na ito, ng mga may-ari ng mga server kung saan ito nakalagay, ng mga indibidwal na kontribyutor ng Wikikawikaan, ng sinumang administrador ng proyekto, sysop, o sinumang iba pang konektado sa proyektong ito o sa mga kapatid na proyekto nito, na maaaring pagbatayan ng iyong mga paghahabol laban sa kanila nang direkta. Binibigyan ka ng limitadong lisensya upang kopyahin ang anumang bagay mula sa site na ito; hindi ito lumilikha o nagpapahiwatig ng anumang pananagutang kontraktwal o ekstrakontraktwal sa panig ng Wikikawikaan o ng alinman sa mga ahente, miyembro, tagapag-ayos, o iba pang tagagamit nito.
Ang alinman sa mga tatak, marka ng serbisyo, kolektibong marka, karapatan sa disenyo, karapatan sa personalidad, o katulad na mga karapatan na nabanggit, ginamit, o sinipi sa mga artikulo ng kalipunan ng Wikikawikaan ay pag-aari ng kani-kanilang mga may-ari. Ang paggamit ng mga ito dito ay hindi nagpapahiwatig na maaari mong gamitin ang mga ito para sa anumang ibang layunin maliban sa katulad o kaparehong paggamit na pang-impormasyon na naisip ng orihinal na mga may-akda ng mga artikulong ito ng Wikikawikaan sa ilalim ng pamamaraan ng lisensyang GFDL. Maliban kung nakasaad nang iba, ang Wikikawikaan at ang mga site ng Wikimedia ay hindi ineendorso o kaugnay ng alinman sa mga may-ari ng gayong mga karapatan, at dahil dito ay hindi maaaring magbigay ang Wikikawikaan ng anumang karapatang gamitin ang anumang materyal na kung hindi man ay protektado. Nasa sarili mong panganib ang iyong paggamit ng gayon o katulad na di-materyal na pag-aari.
Pakatandaan na ang impormasyong matatagpuan dito ay maaaring lumalabag sa mga batas ng bansa o hurisdiksyon kung saan mo tinitingnan ang impormasyong ito. Hindi hinihikayat ng Wikikawikaan ang paglabag sa anumang batas, ngunit dahil ang impormasyong ito ay nakaimbak sa mga server sa Estados Unidos ng Amerika, pinananatili ito kaugnay ng mga proteksiyong ipinagkakaloob sa lahat sa ilalim ng First Amendment ng Saligang Batas ng Estados Unidos at sa ilalim ng mga simulain ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao ng Nagkakaisang Bansa o United Nations. Maaaring hindi kinikilala ng mga batas sa iyong bansa ang kasinglawak na proteksyon sa malayang pagpapahayag tulad ng mga batas ng Estados Unidos o ng mga simulain sa ilalim ng Karta ng UN, at dahil dito ay hindi maaaring managot ang Wikikawikaan sa anumang posibleng paglabag sa gayong mga batas kung mag-uugnay ka sa domain na ito o gagamitin mo ang alinman sa impormasyong nakapaloob dito sa anumang paraan.
Ang Wikikawikaan ay hindi pare-parehong sinusuri ng kapwa (peer review); bagama't maaaring ituwid ng mga mambabasa ang mga pagkakamali o alisin ang mga maling mungkahi, wala silang legal na tungkuling gawin ito, at dahil dito ang lahat ng impormasyong nababasa dito ay walang anumang ipinahiwatig na garantiya ng pagiging angkop para sa anumang layunin o gamit.
Walang makukuhang kabayaran para sa mga kasunod na pinsala laban sa Wikikawikaan, dahil ito ay isang kusang-loob na samahan ng mga indibidwal na malayang binuo upang lumikha ng iba't ibang bukas-na-pinagmulan (open source) na online na yamang pang-edukasyon, pangkultura, at pang-impormasyon. Ang impormasyong ito ay ibinibigay sa iyo nang walang bayad at walang anumang kasunduan o pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng Wikikawikaan hinggil sa iyong paggamit o pagbabago sa impormasyong ito maliban sa Creative Commons Attribution/Share-Alike License; wala rin sinuman sa Wikikawikaan ang mananagot kung sakaling may magbago, mag-edit, magmodipika, o mag-alis ng anumang impormasyong maaaring i-post mo sa Wikikawikaan o sa alinman sa mga kaugnay nitong proyekto.
Maraming salamat sa paglalaan ng oras upang basahin ang pahinang ito, at nawa'y masiyahan ka sa iyong karanasan sa Wikikawikaan.
Ang pagtatangging ito ay hinango sa Pangkalahatang Pagtatanggi na ginagamit sa Wikipedia.org.