Alice Eduardo
Itsura
Si Alice Eduardo (Marso 20, 1965– ) ay isang babaeng negosyanteng Pilipino. Itinatag ni Alice Eduardo ang Sta. Elena Construction and Development Corporation noong 1995. Si Eduardo ay bumuo ng iba't ibang SM Malls kabilang ang SM Mall of Asia. Ang kanyang kumpanya ay responsable para sa mga foundation works sa Entertainment City at Mall of Asia Complex. Noong 2018, pinangalanan ng Forbes Asia si Eduardo bilang isa sa mga Heroes of Philanthropy nito.
Mga Kawikaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hinahangaan ko ang mga bagay tulad ng mga bundok at mga bulaklak, na tanging Diyos lamang ang makakalikha. Maaari tayong magtayo ng mga tulay at gusali ngunit ang Diyos lamang ang makakagawa ng malambot na talulot.
- "'Cherish each day'" sa Philippine Star (29 March 2022)
- Ito ay isang pambihirang pagkakataon upang makatulong sa iba. I’m taking that opportunity as a blessing.
- "PGH's Bahay Silungan: The healer is a home" in Philippine Star (10 Setyembre 2021)
- Noon pa man ay gusto kong magtayo ng isang lungsod kung saan ang antas ng pamumuhay ng mga residente ay higit sa karaniwan, isang lungsod sa loob ng isang lungsod na parang Singapore, kung saan ang buhay ay hindi perpekto ngunit ang kalidad ng buhay ay nagtatakda ng pamantayan sa Pilipinas .
- Napaka-hands-on ko sa aking mga proyekto at personal na binibisita ang mga site. Madalas akong nakikipagkita sa aking mga kliyente, aking mga inhinyero, at aking mga tauhan sa hapon din, ngunit lagi kong sinisigurado na nasa bahay ako para sa hapunan kasama ang aking pamilya.