Andrés Bonifacio
Itsura
Si Gat Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre [[1863|1863][[|q/tl/10 Mayo|10 Mayo]]1897) ay isang Pilipinongnasyonalista at rebolusyonaryo. Siya ay madalas na tinatawag na "Ama ng Rebolusyong Pilipino". Siya ang tagapagtatag at Supremo ng Katipunan na nais palayain ang Pilipinas mula sa Espanya. Kinukonsidera siyang pambansang bayani ng Pilipinas, ngunit hindi pa ito opisyal.
Mga sipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ibigin mo ang iyóng Bayan nang sunód kay Bathalà, sa iyóng kapurihan, at higít sa lahat sa iyong sarili.
- Mula sa inskripsyon, Aklatan ng UST, Maynila, Pilipinas, 1 Setyembre 2013.
- Itinuturo ng katwiran, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalu't lalong kahirapan, lalu't lalong kataksilan, lalu't lalong kaalipustaan at lalu't lalong kaalipinan. Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawaan na hindi darating at hindi mangyayari … Itinuturo ng katwiran ang tayo’y magkaisang-loób, magkaisang-isip, at akala at nang tayo’y magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
- Mula sa: Bryan C. Paraiso (2012) "Bonifacio reveals fervor in writings." Philippine Daily Inquirer. Nobyembre 30, 2012.
- Itinuturo ng katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at nang tayo’y magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan. Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon ng dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya, at may pagdadamayan.
- Mula sa: "Talumpati ni Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo 2013." sa gov.ph. Hunyo 12, 2013.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Artikulo tungkol kay Andres Bonifacio sa Wikipediang Ingles at Wikipediang Tagalog