Bebang Sy

Mula Wikiquote
Jump to navigation Jump to search

Mga Kawikaan[baguhin | baguhin ang source]

  • Kung meron kang gustong patunayan, ihanda nang bonggang-bongga ang sarili sa mga posibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito. Minsan ang kapalit ay maganda, minsan matamis. Pero minsan din ay mahapdi at minsan naman, maalat.
  • Ang magagandang panaginip, walang karugtong, walang katapusan. Kaya dapat, hindi dinudugtungan, para habambuhay na lang na maging isang napakagandang panaginip.
  • Kung importante ang pag-ibig dahil ito ang magpapatibok ng puso mo, importante rin naman ang trabaho at kareer dahil ito ang magpapatibok ng bituka mo. Maaaring ito rin ang panggalingan ng purpose mo sa buhay.