Pumunta sa nilalaman

Gina Lopez

Mula Wikiquote

Si Regina Paz "Gina" La'O Lopez (27 Disyembre 1953 - 19 Agosto 2019) ay isang Pilipinong environmentalist at pilantropo na naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) sa isang ad interim batayan sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay naging Tagapangulo ng Pasig River Rehabilitation Commission sa ilalim ng dalawang magkakasunod na administrasyon.

  • Nagmana ka ng isang kapaligiran na hindi mo nilikha, at hirap kang baguhin ito dahil sa lahat ng mga patakaran at regulasyon... At pagkatapos ay nagtungo ka sa labas at natuklasan mong ang mga tao ay nagdurusa—napakabigat nun sa puso ko, kapag ang mga tao ay nagdurusa at lalo na kung ang mga taong ito'y nagdurusa dahil sa katiwalian ng aking mga kababayan. Tunay itong mahirap para sa akin. Kaya't hamon sa akin na manatiling mahinahon, at ito ay nangangailangan ng espirituwal na katatagan. Kailangan mong maging malakas.
  • Gusto ko sanang magkaroon ng isang bansa kung saan pinapangalagaan ang ating likas na yaman. Gusto kong makakita ng mga bakawan sa lahat ng dako upang tayo ay protektado sa pagbabago ng klima. Gusto kong makita ang mga kawayan sa bawat sulok dahil dito ay mayroon tayong magiging kita... Inaasahan ko ang isang bansa na walang kahirapan. Ang ating mga mamamayan ay may sapat na pagkain na maihahain sa hapag-kainan, sapat na pera upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Kaya natin itong gawin, at sa tingin ko, ang paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng paglikha ng mga modelo sa ibaba upang ipakita na ito ay posible.
  • Para sa akin, ang kapaligiran ay palaging tungkol sa mga tao. Dahil mayroong malapit na ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng kapaligiran. Kung talagang nais mong tulungan ang mga tao, na siyang aking adhikain, hindi mo talaga magagawa ito kung hindi mo alam ang epekto ng kapaligiran sa kanilang buhay... Ang hangin, tubig, ito ay bahagi ng buhay. Paano mo matutulungan ang mga tao kung marumi ang hangin, marumi at polusyonado ang tubig?
  • Pagkatapos nating matukoy ang siyentipikong kalagayan, tutuon naman tayo sa pagbabago ng mga halagahan. Dahil kung walang mga halagahan, hindi mo magagawa ang kahit ano. Ito ang aking karanasan sa paggawa ng mga proyekto sa pagpapaunlad. Kung nais mong mag-invest upang ang komunidad ay magkaroon ng mas magandang kalidad ng buhay, hindi sapat na maglagay lamang ng pera doon.
  • Walang pag-aalinlangan sa aking isipan na kayang-kaya nating ilabas ang ating bansa sa kahirapan. Walang pag-aalinlangan. Ngunit dapat alagaan at protektahan natin ang likas na yaman ng ating bansa upang nakikinabang ang mas nakararami. Hindi ito dapat ina-exploit para sa kapakinabangan ng iilan... Totoong naniniwala ako na ang paraan para sa ating bansa ay sa pagtutulungan ng lahat.