Pumunta sa nilalaman

Heather Brooke

Mula Wikiquote
Si Heather Brooke noong 2012

Si Heather Rose Brooke (ipinanganak 1970) ay isang British-American na mamamahayag at nangangampanya ng freedom of information. May-akda ng Your Right to Know, The Silent State, Assange Agnosties at The Revolution Will Be Digitized, si Brooke ang nagwagi ng Washington Coalition for Open Government "Key Award". Kilala rin bilang pioneer na pinilit ang British Parliament na sagutin ang sarili nitong mga batas sa freedom of information.

Your Right to Know: A Citizen's Guide to the Freedom of Information Act, 2nd Edition

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Gaya nga ng kasabihan - ang kapalit ng kalayaan ay walang hanggang pagbabantay. Sinamantala ng mga pulitiko ang ating kawalang-interes sa pamamagitan ng pagpapataw ng higit pang marahas at mahigpit na mga batas na nagpapataas ng kanilang kapangyarihan habang pinaliliit ang atin. Ang pagtatanong sa ating mga pampublikong kinatawan ay ang pinakamahusay na paraan upang matiyak na sila ay gumagalaw para sa ating mga interes at hindi sa mga pulitiko. Sa pamamagitan ng FOI maaari tayong pumunta sa likod ng retorika ng pulitika upang makita ang tunay na estado ng mga pangyayari.
    • p. 4.
  • Ang tagumpay ng anumang rehimen sa kalayaan sa impormasyon ay nakasalalay sa dalawang pangunahing salik: Isang mahigpit na batas na may malinaw na pagpahayag ng layunin na ginagawang malinaw ang pagpapalagay ng pagiging bukas, at isang matapang na regulator na matatag at hindi natatakot na gamitin ang kanyang kapangyarihan at hamunin ang mga interes ng nasa gobyerno.
    • p. 4-5.
  • Ang kapalit ng pagpakilos sa gobyerno na ito'y tumugon sa mga taong nagpopondo dito at kung kaninong pangalan ito ay umiiral, ay hindi dapat iugnay lamang sa FOI, ngunit kahit na ito man, tiyak na iyon ay isang suungin na sulit na tiisin? Ang gawing transparent ang gobyerno at may pananagutan sa publiko ay direktang nagpapataas sa kakayahang maglingkod ng pampublikong sektor kaysa sa anumang dami ng mga regulator o tagapagbantay ng gobyerno.
    • p. 5.
  • Ang pagkuha ng impormasyon ay simula lamang. Ang transparency sa gobyerno ay dapat na samahan ng karapatan ng publiko na mapakinggan at makapag-impluwensya sa patakaran ng gobyerno. Ang unang layunin ay makuha ang mga impormasyon, dahil kung walang mga impormasyon ay wala tayong kapangyarihang salungatin ang mga desisyon ng gobyerno o magdulot ng pagbabago. Ang susunod na hakbang ay buksan ang proseso ng paggawa ng desisyon upang sa wakas ay mayroon tayong pamahalaan na may pananagutan sa mga pinaglilingkuran nito. Ito dapat ang ating karapatan at hindi isang pribilehiyo.
    • p. 8.