Heneral Luna

Mula Wikiquote
Jump to navigation Jump to search

Ang Heneral Luna ay pelikulang pantalambuhay mula sa Pilipinas tungkol kay Antonio Luna na nagsilbing heneral ng hukbong Pilipino noong Himagsikang Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano.

Antonio Luna[baguhin | baguhin ang source]

  • May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano–ang ating sarili.
  • Mas magandang mamatay sa digmaan kaysa magpasakop sa dayuhan.
  • Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit na anong bagay.
  • Ganito ba talaga ang tadhana natin? Kalaban ng kalaban. Kalaban ng kakampi. Nakakapagod.
  • Negosyo o Kalayaan? Bayan o Sarili? Pumili ka!
  • Malaking trabaho ang ipagkaisa ang bansang watak-watak.
  • Mas mahalaga ang papel natin sa digmaan kaysa sa anumang nararamdaman natin sa isa’t isa.
  • Walang naka-aangat sa batas...kahit pa presidente.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang source]