Lazarus McCarthy Chakwera
Itsura
Si Lazarus McCarthy Chakwera (ipinanganak noong Abril 5, 1955) ay isang teologong Malawian at pulitiko na nagsilbi bilang Pangulo ng Malawi mula Hunyo 2020. Siya rin ay naglilingkod bilang Ministro ng Tanggulan alinsunod sa konstitusyon ng Malawi, at nagsilbi bilang lider ng Malawi Congress Party mula 2013. Siya ay naging Pangulo ng Malawi Assemblies of God mula 1989 hanggang 2013.
Kawikaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang susi sa pagharap sa pagbabago ng klima ay ang sustenableng pag-unlad at pagbabalik ng balanse sa ating relasyon sa kalikasan. Ngunit ang kalikasan ay nawawalan na ng pasensiya sa atin at naghihiganti nang walang patid. At habang ang kalikasan ay naghihiganti, ang ating mga mamamayan ay nawawalan din ng pasensya. Kailangan nating kumilos ngayon, hindi mamaya. Kailangan nating kumilos ngayon, hindi bukas.