Pumunta sa nilalaman

Rodne Galicha

Mula Wikiquote

Si Rodne Galicha y Rodiño (ipinanganak noong ika-2 ng Hunyo 1979 sa San Fernando, Sibuyan Island, Romblon, Pilipinas, panganay na anak ng kawani ng gobyerno na si Nenita Rodiño y Romero ng San Fernando, Romblon, at ng kartero na si Rodrigo Galicha y Galindez ng Alcantara, Romblon) ay isang Pilipinong tagapagtanggol ng kapaligiran at aktibista sa karapatang pantao na kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa climate justice, konserbasyon ng biodiversity, at pamamahala sa mga tunggalian sa likas na yaman.

  • Ang unang hakbang upang maging eco-friendly ay ang pagbabago ng kaisipan. Kinakailangan na tanggapin at aminin na tayo, ang ating katawan, at lahat ng bagay na meron tayo ay nagmula sa kalikasan. Kapag nasisira natin ang mismong pinagmumulan ng ating buhay at kabuhayan, tayo ay pumapatay sa ating sarili.