Theodore Roosevelt
Itsura
- “Ito ang iyong bansa. Pahalagahan ang mga likas na kababalaghan na ito, pahalagahan ang mga likas na yaman, pahalagahan ang kasaysayan at pagmamahalan bilang isang sagradong pamana, para sa iyong mga anak at mga anak ng iyong mga anak. Huwag hayaang balatan ng mga makasariling tao o sakim na interes ang iyong bansa sa kagandahan, kayamanan o pagmamahalan nito.”
- Maganda ang pag-uugali ng bansa kung ituturing nito ang likas na yaman bilang mga ari-arian na dapat nitong ibigay sa susunod na henerasyon na tumaas; at hindi pinahina sa halaga.
- "Ang pag-aaksaya, pagsira sa ating likas na yaman, pagbungkal at pag-ubos ng ating kalupaan, sa halip na gamitin ito upang madagdagan ang kapakinabanagan nito, ay magreresulta sa pagkasira at pagkadurog sa hinaharap ng ating mga anak sa kasaganahan na nararapat nating ipasa sa susunod na mga henerasyon."
- Ang mga mabangis na hayop at mga ibon ay hindi lamang pag-aari ng mga tao ngayon, ngunit pag-aari ng mga hindi pa isinisilang na henerasyon, na ang mga ari-arian ay wala tayong karapatang sayangin."
- Walang mga salita ang makapagsasabi sa nakatagong diwa ng desyerto, na maaaring magbunyag ng kanyang misteryo, ng kanyang panglaw at ng kanyang kagandahan."
- "Ang ating tungkulin sa kabuuan, kabilang ang mga hindi pa isinisilang na henerasyon, ay nag-uutos sa atin na pigilan ang isang walang prinsipyong kasalukuyang minorya mula sa pag-aaksaya ng pamana ng mga hindi pa isinisilang na henerasyong ito. Ang kilusan para sa konserbasyon ng wildlife at ang mas malaking kilusan para sa konserbasyon ng lahat ng ating likas na yaman ay mahalagang demokratiko sa diwa, layunin, at pamamaraan."